5 tulog na lang at darating na si Belle sa Dubai..Di pa rin ako makapaniwala.. Gaya nga ng sabi ni Arvin, wala na yata kaming balak maghiwalay na dalawa. To think na part lang ito dati ng mga daydream sessions namin. Pangarap naman namin talaga na mag-abroad together at sabay na mageexplore ng buhay. Actually, London talaga target namin o kaya Paris. London dahil andun yung Tita niya at saka para baka sakaling makita namin si Prince William o baka makakita kami ng sarili naming prince na blue-eyed at w/ British accent pa. O kaya, Paris kasi romantic daw dun tsaka gusto namin masagot si Paolo Santos kung "Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down? haha, babaw namin no pero okay lang pangarap lang naman e.. Tapos gusto din namin dati na magwork sa Disneyland HongKong. Akalain mo, gusto pa namin magcrash course ng Mandarin dati para lang matanggap kami..para kaming mga high school na kinikilig sa sobrang excitement habang naghahanap kami ng dictionary sa Powerbooks.. and to think professional na dapat kami umasta nyan kasi last year lang yan.. tapos pag marami na kaming pera, magbubusiness kami ng clothing line.. naglalakad kami sa Glorietta habang nag-iisip ng brand name na gagamitin namin. syempre gusto naming may initials namin. then we came up with "Lesbian" with the tag line "it's fun being a girl".. hehe..
Bago ako umalis, binigyan niya ako ng diary. Makakalimutin daw kasi ako. At least kung recorded lahat ng events ng aking life dito sa Dubai, wala akong makakalimutang ikuwento sa kanya pag nagkita na kami ulit. Pagdating niya dito, magsususlat pa din ako sa diary na bigay niya dahil it does not change the fact na makakalimutin ako pero at least maikukuwento ko na sa kanya personally ang mga kagagahang ginagawa ko dito. Actually, baka nga di ko na kailanganing ikuwento kasi for sure, kasali siya sa mga kagagahang iyon.
as i always said, Dubai has been good to me.. but im sure, it's gonna be much much better with belle around...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment