about 4 hours from now, i will be in the operating room of makati medical center for my, well, operation. i know you might be wondering and concerned (hopefully) what in the world i would do there. well, this has been bothering me for some weeks now. i felt this lump which i actually did not mind at first. i thought it was just a tiny thing that would just soon go away. but it grew bigger and the pain.. ohhh!.. it just kills me. so i decided to visit the doctor last Monday at makati med. thanks to my intellicare card. it serves like a globe card in that old commercial where you can just flash it to them and voila! you can just stroll along the corridors of makati med even if you barely got 20 pesos in you pocket. So i waited for the doctor, and told him ( he looks sooo mabango.. well, all doctors naman yata e) about that lump. he told me the history of the lump and instantly diagnosed me to go through a minor operation! huwaatt! for someone like me who never frequents the hospital, this is one BIG THING! he told me that i really have to go through this to take it off as well as the possibility of it growing back. wow!
except for the colds i experience everyday after i'd wake up, i could say that i am gifted with a very good immune system. i don't have any childhood memory of being hospitalized. visits to pedia, yes, but more on vaccines and vitamins. i've had all kinds of sickness one normally goes through- measles, chicken pox, mumps- but i was never confined in a hospital. well, i experienced being moved within the emergency room once in a stretcher when i and a former officemate were hit by a vehicle along ayala ave. pathetic, i know. so this operation thing is actually making a mark in my health history. i'm not afraid though. i was even planning to go there alone despite my mom's being so kulit on accompanying me.. maybe, i am (again) trying to prove the fun, fearless female in me.
then i tried to imagine what they are going to do with me - the anesthesia, the knife, the laser, the possibility of blood, the bandage, medicines, the recuperation period and yes, the pain. nyay! and it started to scare me. so i really prayed that everything will go okay- the OR, the doctor's hands, eyes and mind, the tools he will use. I prayed for the readiness in me. this is a first for me and all firsts in my life are really memorable and full of anxieties/excitements. i also prayed for my work to allow me to do SL (sick leave) without affecting my compliance. of course, i can always file for SL but it will affect my compliance which later will affect my schedule bidding. as of writing, i got an answered prayer. my manager is already processing a pre-approved SL which will NOT affect my compliance! so i'll be out of the office and be back on Monday.
only 3 hours 42 minutes remaining. i'm still here in the office and writing this. later im going to meet mommy. i finally agreed that she accompanies me after i scared myself. and i agreed as well to stay in Valenzuela afterwards. please do pray for me. i hope everything goes well. i am hoping for an ouch-free operation. for your flowers and get-well-soon card/letters, you may send them either to my Valenzuela home or my Pasig apartment. You may also join my housemates for a surprise(!?) coming home/get well soon party they are preparing for me. just coordinate with them.
3 hours 30 minutes to go. at least after the operation, i wouldn't have to burden myself with this lump anymore. hay, this wart on the sole of my right foot is killing me!
Wednesday, May 31, 2006
Wednesday, May 24, 2006
taxi ride (a fiction)
"Manong, pwedeng pakibilisan po ng konti."
Kung ako ang masusunod, mas gusto ko sanang magcommute. Namimiss ko na din kasi ang MRT station ng Quezon Ave at ang jeep na Pantranco-UP. Simula nung magtrabaho ako, ang buhay ko ay umiikot na lang sa Makati (dahil dun ako nagwowork) at sa Pasig (dahil dun ang apartment ko). Kaya lang, napatagal yata ako sa kakapili ng isusuot kanina, kaya eto't kailangang magtaxi. Hay, parang bumabaligtad ang sikmura ko ngayon. Hindi ko alam kung anxiety ba ito dahil malalate na ako o excitement dahil makikita kita. Kahit hindi masyado malamig ang aircon sa taxi, eto ako at pinagpapawisan ang mga kamay sa ginaw. Shaks!
Sana talaga hindi ako malate. Well, sandali na lang naman andun na ako. Binabagtas ko na ngayon ang University Ave. Hay, iba talaga ang UP. Huli yata akong napunta dito ay nung UP Fair. Pero sa tuwing pupunta ako, napakanostalgic ng lahat. Apat na taon ba naman ako namalagi dito e. Dito nag-aral, Dito tumira.
"Kakaliwa po dyan."
Ayan na si Oble. Kay tagal din niya akong inaruga sa kanyang mga bisig na nakadipa. Sabi nila ang tunay daw na ibig sabihin nito ay pag-aalay ng sarili. Tunay na iskolar. Minsan, naiisip ko din para siyang nanghahalina "Heto ako, halika at lasapin ang mga bagay na dito mo lang mararanasan". At tunay nga naman dahil bawat sulok ng paaralang ito ay nagsusumigaw na alaala ng makulay na lumipas.
"Tapos, kakanan po."
Napatingin ako sa cellphone ko. Limang minuto na akong late. Ang nakakinis, kung lagi akong late, ikaw naman ay kung hindi on time, lagi kang ahead of time. Naalala ko dati, pinaghintay kita ng tatlong oras sa Megamall dahil nakatulog ako. Akala mo nga hindi na ako darating e.
Malapit na ako. Ano na kaya ang itsura ko? Sana hindi naman ako mukhang ngarag pag nagkita na tayo. Lagi mo pa naman akong niloloko na magsuklay. Para kitang naririnig pag sinasabi mong "Ganda ng buhok mo ah. Subukan mo kayang magshampoo." Pero nung una tayong nanood ng sine, grabe! Sobrang tagal kong gumayak noon. Dito yun e. Tama, dito sa Film Center. Tatlo dapat tayo, kasama si best friend mo. Pero sa kahinahinalang dahilan, bigla na lang siyang nawala, hindi macontact sa cellphone. Nakakainis kasi di pa naman kita masyado kaclose noon e. Mas friends kami ni best friend mo. Kaya sobrang naiilang ako habang nanonood ng "Amores Peros".
Yakal. Ang ating dormitoryo. Dito kita unang minahal.
Hindi naman kita talaga crush noon e. Iba ang gusto ko pero ang kulit kasi ng best friend mo. Grabe kung ibuild up ka. Feeling ko noon pati buong wing natin kakuntsaba. Niloloko nila ako. May gusto ka daw sa akin. Hindi ako naniwala. Kaya inenjoy ko lang ang bawat oras na magkasama tayo nung naguumpisa na tayong maging close. Hanggang sa nakita ko na hindi lang pala pangbuild-up ang mga kinukwento ng best friend mo. Astig ka pala talaga! Wala kang arte nung minsan nagcandlelight dinner tayo sa Manang Eng. Sobrang gentleman ka 'pag naglalakad tayo ng madaling-araw galing library. Ang cute mo nung suot mo yung blue shirt mo. Ang bait mo din dahil sinamahan mo akong hintayin ang daddy ko nung last day natin sa dorm. Ako, for that sem. Ikaw, for your college life. Gagraduate ka na kasi e. Hindi na kita makikita. Hindi na makakasama.
Kaya nga pumayag ako nung ininvite ako ng best friend mo sa org niyo. Sabi niya sa akin lagi ka nandun. Ininvite mo na din ako nun pero hindi ako ready. Feeling ko kasi hindi ako bagay sa Christian org. Alam ko kailangan ko dahil nagpadala na ako sa radikal na paniniwala na napulot sa unibersidad. Nag-iiyak ako sa Diyos noon na Siya ang lumapit sa akin dahil sa hindi ko mapigilang dahilan, napapalayo na ako sa Kanya.
" Kuya, dyan na lang po sa tabi."
Alam ko, mali ang motivation ko nung una akong tumapak sa simbahang ito. Ikaw. Mali talaga at maraming beses akong nahiya sa Diyos noon. Pero ang dami ko namang natutunan habang tumatagal. Isa sa mga unang kong nadiskubre ay ang katotohanan na may mundo ka na bago pa man ako dumating. Kasabay ng realisasyong unti-unti nang nahulog ang loob ko sayo ay ang katotohanang may mahal ka ng iba. At bawat araw na nagkakalapit tayo ay parang punyal na itinuturok sa akin. Sa bawat pagkakataong ikukuwento mo siya sa akin, gusto ko na lang biglang mawalan ng pandinig. Ramdam kong mahal mo sya kahit na sa iba na nakatuon ang kanyang pansin. Sa tuwina'y para tayong gumagawa ng music video habang kinakanta ni Bituin Escalante ang "Kung Ako na Lang Sana".
Alam ko, hanggang doon na lang yon. Hanggang sa magandang pagkakaibigan na lang. Pero okay lang. Nang pinasok ko ang mundo mo ay maraming kamay na sumalo sa akin. Mga taong mahalaga din sayo. Mga taong hindi ko na din kayang mawala sa buhay ko. Naaalala ko pa, may mga taong dumamay sa akin nung panahong durog-durog ang puso ko mamg dahil sa'yo. Alam kong mahal ako ng Diyos. Alam Niya kung ano ang laman ng damdamin ko. Kaya pinagdasal kita. Araw-araw. Minsan kasama ko pang magdasal ang ilang kaibigan natin. Minsan iniisip ko, napakaimposible na ng pinagdadasal ko. Pero naniwala ako noon na balang-araw, ibibigay ka sa akin.
Shaks! Ikaw na nga ba yun? Natatanaw na kita habang nagmamadali ako sa pagpasok.
Ang tagal na din simula noong mga araw na ipinagdarasal kita. Ilang taon na ba ang lumipas? Dalawa na ba o tatlo? Apat na yata. Hindi ko na din makalkula. Bigla ko na lang ding tinigilan. Hindi sa hindi ako naniniwala na kayang ibigay ng Panginoon ang gusto ko. Kaya lang, baka may iba siyang plano. Baka iba ang para sa akin. Basta ang importante, magkaibigan pa rin tayo. Kahit na hindi na tayo madalas nagkikita, lagi naman tayong updated sa isa't-isa. Magkasama pa din sa gimik. Nagbabalitaan ng mga buhay-buhay habang bawat isa sa atin ay hinahanap ang lugar sa mundong ito.
Naging saksi ako nung muli kang sumubok sa larangan ng pag-big. Suportado pa naman kita noon pero ewan ko nga ba kung bakit bigla na lang natapos. Pinagsabihan pa nga kita na baka nasa iyo ang problema dahil ang alam ko, gusto ka niya talaga. Nandun ka din naman nung nagkadurog-durog ako nang muli akong nagmahal. Sa bawat kwento ko, alam kong ramdam mo din ang sakit. Dahil nasaktan talaga ako. At gaya ng dati, ayun, umiyak na naman ako sa Kanya. Ang tanga ko kasi. Akala ko naisurrender ko na sa Kanya ang puso ko para Siya na ang mag-alaga. All this time pala, hawak-hawak ko lang. Ginagamitan ng sariling diskarte.
"Sorry late ako. Kanina pa ba nagsimula?"
Pero matagal na din yun. Buti na lang close na kami uli ni Lord. Alam ko na sa sarili ko na hindi na uli mangyayari na magmamahal ako na wala Siya sa akin. Sobrang naappreciate ko nga nung sinamahan mo akong magsimba. Sobrang mahalaga sa akin yung araw na yun.
" Okay lang, Baby, kauumpisa pa lang din."
Importante sa akin ang araw na yun dahil nun mo sinabi ang mga salitang akala ko'y hindi ko maririnig mula sa'yo. Mukha kang tanga noon, pulang-pula, hindi mapakali, pinagpapawisan ng sobra. Ako din, kinakabahan. Hindi inaasahan ang mga pangyayaring nagaganap sa harapan ko. Noong araw na yon mo sinabi sa akin na mahal mo ako.
"Okay ka lang ba?", tanong mo sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Okay na ako." Sino ba naman ang hindi? Kasama na kita. Ikaw na sa aki'y ibinigay Niya.

Subscribe to:
Posts (Atom)